Aloha Rainy October!!!

Here’s some list of events, birthdays, anniversaries and everything I care about for the month of October and syempre, it’s my birthday!

October 02 – Sis Jaira Tanada’s birthday
October 15 – Kat Simbulan’s birthday; Pay day!
October 16 – Edward Valeza’s birthday; movie: Where the Wild Things Are
October 18 – KOMIKON na at Megamall!
October 20 – Kambal’s 14th birthday (Trisha and Chabel Virtucio)
October 21 – MY 24th BIRTHDAY; 67th monthsary
October 23 – Tito Gerry Ansay’s birthday; movie: Astro Boy; movie: Saw VI
October 24 – Sir Junney Martinez’ birthday
October 30 – Sir Alvin Gamboa’s birthday
October 31 – Eunice Caymo’s birthday; Pay day!

Wow, puro birthdays! Happy birthday guys!
Komikon na! Mami-meet ko na si Manix hehehehe
Ctoy, happy monthsary ulit! Tapos birthday ko pa… Cravings na to, haha!

Advertisements

Things I am thankful for…

When Bagyong Ondoy hits our little 3rd world country my family and I are…

1. On the way to Manila for my follow-up checkup. Kaso nasa may Filinvest area pa lang kami di na nagalaw ung traffic. We’re blessed kasi we’re not stuck in the middle of the traffic, we’re able to turn to Filinvest Fiesta Mall and stayed there for a while.

2. Since we decided to head back to Laguna, super traffic naman sa SLEX Southwoods area. Abot hips lang naman ung baha kaya di makadaan ang mga sasakyan. Another blessed situation kasi we’re able to stay sa Petron gas station. There, together with the others we waited na umusad ang mga sasakyan.

3. While others are stuck in their vehicles for 3-12hrs, kami ay nakaupo sa mcdo for 4hrs. Atleast may available na CR and food.

4. When we finally decided to go home, nag-open ng daan sa counterflow kaya dun na kami dumaan. Blessed talaga kasi nakita namin ung ibang sasakyan na stuck sa traffic as in di nagalaw kasi ang taas pa din ng water sa may Southwoods, habang kami eh tuloy-tuloy lang ang takbo.

5. Buti na lang diesel ang gamit ng sasakyan namin kaya tuloy tuloy lang ang takbo kahit sa mga baha sa Calamba.

6. Sa buong byahe namin hanggang pag-uwi di naubos battery ng ipod ko, ;D

7. Nasiraan kami ng sasakyan, pero blessed kami kasi malapit na sa bahay kahit papaano. And nagawan naman ng  paraan ung sira kaya nakauwi pa din kami ng maayos.

8. Nang dumating kami sa bahay, BROWNOUT!
Well atleast brownout lang, hindi binaha or natabunan ng mud or gumuho ang bahay namin.

All in all, we’re blessed talaga dahil un lang ang inabot namin.

Kaya ako po ay nanawagan sa mga opisyales ng Laguna. May napapabalita po na ang Mt. Banahaw ay balak i-convert sa golf course. Kikita nga naman sila ng milyones sa gagawing ito. Pero sana ay maisip nyo naman ang maaaring mangyari sa mga bayan na malapit sa Mt. Banahaw. Maisip sana ng mga opisyales na ito na maaaring mangyari sa mga bayan ng Laguna ang nangyari sa Pampanga, Rizal atbp na nasalanta ni Bagyong Ondoy. Makonsensya kayo!

Dengue, a blessing in disguise

Dengue made me so emotional, I think.

After a week na naka-bonding sina mama ana papa sa bahay, ayoko na bumalik ng Manila. True! Gusto ko na magresign and magstay na lang sa Laguna so lagi ko silang kasama. Pero syempre di pwede yun, I have to work para magsupport sa sarili and sa family. That’s what we call sacrifice!

Ang hirap. For 2 weeks nasanay ako na kasama ko lagi sina mama and papa ng whole day. Sabay sabay kakain, sisimba, punta sa kung saan. Pero ngayon, mag-isa na lang ulit ako dito sa dorm, sobrang nakakapanibago and I just wanted to wallow the whole day. But that’s my life.

I guess yung pagkaka-dengue ko is a blessing in disguise na din. Kasama ko sina mama ng matagal-tagal, kasama ko sila nung nag-strike si Ondoy. Kahit no-show no-pay ako sa work, kahit ang hirap hirap na inumin ng mga gamot, kahit pasa-pasa na ko sa mga turok, super happy pa din ako na nag-spent ako ng matagal tagal sa bahay kasama sina mama at papa.

Thank you sa mosquito na nagbigay sakin ng dengue. =)