Happy International Women’s Day!

Abante babae, Palaban militante!

Dahil International Women’s Day ngayon, gusto ko lang magshare ng something about sa pagiging babae. Sa dami ng naiisip ko di ko alam kung ano isusulat ko.

1. Laging sinasabi ng aking irog na mas mataas ang pain tolerance ko compared sa kanya. May katotohanan. Hindi ako takot sa injection, sa operasyon o sa pagpapabutas ng tenga. Tingin ko inborm na mas mataas talaga ang pain tolerance naming mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan. Pruweba? Kada buwas kami ay nireregla. Akala ng iba eh simpleng lalabasan lang kami ng dugo sa katawan, hindi nila naiisip na minsan eh di na kami makatayo sa kama sa sobrang sakit. Dumadating pa sa point na kahit pag-ihi o pagdumi eh tinatawag mo na ang nanay mo sa sakit. Minsan kahit sa pag-upo. Pero kinakaya namin lahat ito. Isipin mo, ung iba nagsimula magkaregla ng dyes anyos at depende pa sa bilang ng egg cells mo kung maunti o madaming taon mo paghihirapan ang pagsakit ng puson. Pero hindi lang sa pagkakaregla yan, nanganganak din kami. Panganganak. Iniisip ko pa lang yan ay nangangatog na ang tuhod ko, ang hirap kaya manganak! Dun pa lang sa pinanood naming documentary dati ay kitang kita na ang paghihirap nung babae. Dahil sa mga natural na bagay na ito, natural lang din na mas mataas talaga ang pain tolerance naming mga kababaihan compared sa kalalakihan, kelangan namin yun eh.

Continue reading

Advertisements