Childhood Memories: Pangarap na Bioman

Noong bata pa ako pangarap ko maging member ng Bioman or Maskman, gusto ko maging si Yellow 4 or si Pink Mask. Nakakaaliw noh?

 

Kasali ako sa magtatanggol sa monsters/aliens o kung sinumang masamang nilalang na gustong sumakop ng Japan este ng ating mundo. Meron akong fighting skills o specialized weapon, gusto ko ay arrow para sakin kasi ang astig tingnan ng porma ng namamana. Meron din akong sariling sasakyan na magiging part ng isang malaking robot once na lumabas na ang dambuhalang kalaban, gusto ko ung sa kamay na part dumidikit ayoko sa paa, okay lang kahit kotse or motor. During the fight, may times na sobrang sisiw lang ng mga kalaban, isang sipa lang talo na, pero may times din na manghihina and mukhang matatalo na pero sa last minute ng laban panalo pa din! Biglang may miraculous recovery ang team kaya mag-100% ulit ang energy kaya naman winner pa din. O diba ang saya saya ng pangarap ko noon? haha!

Continue reading

Advertisements